Bilang pagkilala sa kabayanihan ng ating mga guro at bahagi ng pagdiriwang ng “Teacher’s Day”, namahagi ang LGU San Andres ng tig-iisang sakong bigas sa bawat guro at empleyado ng bawat paaralan ng San Andres.

Kahapon, Oktubre 5, 2017, sinimulang ipamahagi ang sako-sakong bigas sa ating mga guro mula sa San Andres West District. Ang programang “LGU-SAN ANDRES Rice Assistance Program for Teachers” ay isinakatuparan sa pamumuno ng ating butihing Alkalde, Hon. Peter Cua kasama ang mga opisyales ng Sangguniang Bayan ng San Andres.

Samantala, nakatakda namang mamahagi ngayong araw, Oktubre 6, 2017, ng tig-iisang sakong bigas sa ating mga guro sa mga paaralan mula sa San Andres East District.

Muli, ang aming pagbati sa ating mga bayani ng lipunan. HAPPY TEACHER’S DAY!