PAALALA: Dahil sa magdamagang pag-ulan, nagkaroon po ng pag guho ng lupa sa ibang bahagi ng ating kalsada dito sa San Andres. Kuha ang mga larawang ito bandang alas dos ng hapon ngayong araw, Enero 17, sa mga kalsada ng Brgy. Codon, Tibang, Puting Baybay at Manambrag.

Pinapaalala po namin ang ibayong pag-iingat ng ating mga kababayang motorista na daraan sa mga lugar na ito… bumagal o huminto kung kinakailangan.

Una nang sinuspende ang mga klase ngayong araw sa lahat ng paaralan dito sa San Andres dahil sa sunod-sunod na pag-ulan sa mga nakaraang araw.


 

Tell us what you think. Comment Below