OKTUBRE 5, 2017 | Muling nagtipon-tipon para sa ikatlong pagpupulong ang mga miyembro ng 2017 San Andres Town Fiesta Executive Committee upang pag-usapan ang iba’t-ibang aktibidad na gaganapin sa nalalapit na taunang Fiesta ng Bayan ngayong Nobyembre. Pinangunahan ng butihing Alkalde, Hon. Peter C. Cua ang pagpupulong na ginanap sa Legislative building kasama si Gng. Agnes Solero, Chairman ng 2017 EXECOM.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga napagkasunduang aktibidad para mas lalong mabigyang saya ang pagdiriwang ng kafiestahan ng Patron San Andres, Nobyembre ngayong taon:

  • Amateur Singing & Dance Contests
  • Volleyball Tournament
  • Amateur Boxing Tournament
  • Street Dance Competition
  • Beer Plaza
  • Youth Night
  • Official Ball
  • Civic Military Parade
  • Mutya at Prinsipe ng San Andres (by: St. Andrew Parish)
  • Trade Fair (TNK – Trabaho, Negosyo, Kabuhayan)
  • atbp