Ang Lokal na Pamahalaan ng San Andres ay nakikiisa sa taunang pagdiriwang ng NINOY AQUINO DAY bilang paggunita sa ika-34 anibersaryo ng kamatayan ng dating senador na si Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr. Isa itong National Non-Working Holiday na isinabatas ng Republic Act No. 2956 noong 2004 kung saan idineklara ang Agosto 21 ng bawat taon bilang “Ninoy Aquino Day”.