Tunay ngang naging matagumpay ang ikalawang taong pagdiriwang ng CATANDUANES ABACA FESTIVAL 2017. Bagama’t ikalawang taon pa lamang ito ng pagdiriwang na nagbibigay halaga sa Abaca bilang kabuhayan ng mga Catandunganons, kapansin-pansin ang dami ng mga turistang dumagsa sa Isla para makiisa sa mga sayang hatid ng Abaca Festival.

Kilala ang buong isla ng Catanduanes bilang pangunahing “producer” ng Abaca sa buong bansa.  Matatandaang ipinatupad ang Provincial Ordinance No. 021 series of 2015 bilang pagpapatupad ng taunang pagdiriwang ng Catanduanes Abaca Festival sa tuwing ika-apat na lingo ng Mayo. Ngayong taon nagkaroon ng samu’t-saring aktibidades ang buong probinsiya katulad na lamang ng Street Dance competition, Trade Fair, Cooking Competition, Float Parade at iba pa.