Ngayong Agosto ay ipinagdiriwang natin ang BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2017,ito ay alinsunod sa Pampanguluhang Proklamasyon bilang 1041, s. 1997 na nilagdaan ng dating pangulong Fidel V. Ramos. Ito rin ay bilang pagkilala sa Ama ng Pambansang Wika na si dating Pangulong Manuel L. Quezon na isinalang noong Agosto 19, 1878. Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “FILIPINO: WIKANG MAPAGBAGO.”